Huwebes, Nobyembre 17, 2011

Dining @ Mckys for our Favorite Filipino Street Foods

Street Foods, Paborito ng Karamihang Pinoy (at taga-Nissan).


Last Wednesday, Nov.16, nagka-ayaan na naman ang mga taga-Engineering at Quality na kumain sa isa sa mga paboritong hang-out ng ilang mga taga Nissan, sa Mckys Ihaw-Ihaw & Resto. We used to dine in that grilled house at least once in a month (jyl, John & Chel as regular customers) for the unwind after office hour. Bukod doon, di lang naman mga ihaw2 ang sine-serve nila kundi pati na mga ice-cold beer beverages. Name it, they have it. Pero ang ipinunta lang namin ng gabing iyon ay tamang kain lamang.


As usual, we ordered our favorites street foods - Ang isaw ng Manok at Baboy, Tenga ng Baboy, Atay ng Manok, Balunbalunan, Adidas at iba pa.


What are these street foods?
1. Isaw ng Manok - Ito ay Pinoy bersyon ng Kebabs o BBQ, ay galing sa bituka ng manok na nilinis ng maraming-ulit, pinakuluan at inihaw (pinaka-paborito ni Isay).


2. Isaw ng baboy - galing sa malaking bituka ng baboy, pareho ng pagluluto sa isaw ng manok (tingnan sa itaas).


3. Atay ng Manok (Chicken Liver) - from the word itself ay ang atay ng manok.


4. Balunbalunan (Chicken Gizzard)- 


5. Adidas (Chicken Feet) - Ang pagkaing nagmula sa isang tatak ng sapatos. Ito'y gawa sa paa ng manok na iginisa at pagkatapos ay inihaw (na sarap na sarap papakin ni Chel). 


6. Tenga ng Baboy - Tinatawag ding "Walkman" ang inihaw na tenga ng baboy na inihahanda matapois ang pag-iihaw.
7. Barbecue - sorry, di kami naka-order ng gabing iyo.


Kasama ang "Matamis na Sauce, Maasim na Sawsawan suka na may tilad na sibuyas at sili at ang Toyo na may Kalamansi at Sili", halina't salunan ninyo kami sa aming pagkain.


Mula sa tropang Mckys - JYL, John, Chel, Isay, Aya at Vic..


Tinatawagan muli sina Zhe, Teena, Keith, Dennis, Bebs, Kath, Adrian - tara na,sama na kayo sa muli sa amin.








2 komento:

  1. dapat po kasi sir e nk-schedule, para maiplano ko kung kelan ako pupunta. hehehe --> cheche (gf john)

    TumugonBurahin
  2. teena here... ampon ng engineering.. hay nako... ito ang pinakanamimiss ko... ang tropang mackys... i missed the masarap na food.. lalong lalo na ang masarap na kwentuhan, malutong na tawanan at pati ang mga usapang bitterness?? hahaha... hope we can gather together again.. just like the old days...tama si che dapat nakashedule... :)

    TumugonBurahin